Normal

Ang balahurang dilang bulgar
Lehislaturang wikang pormal
E kung gayon
Problema ba yon
Yun na ngayon ang normal

Yun na ngayon (3x)
Yun na ngayon ang normal

Ang presidente na kriminal
Naging bayani na tinanghal
Ganyan na nga ba
OK ka lang ba
Na yan na ang bagong normal

O bayan kong minamahal
Lahing magagalang, marangal
Masdan ang iyong hinalal
Na namamahalang mga opisyal

Sa dinastiyang pulitikal
Nakisimpatiya ang radikal
Huwag magtaka
Sa pakikibaka
Ya’y taktika na normal

Akusahan n’yo na salarin
At husgahan n’yo at barilin
Kapag malakas
Kapag may basbas
Labag sa batas ay normal

Yun na ngayon (3x)
Ang sa Pinas ang normal

O bayan kong minamahal
Liping magigiting at banal
Purihin ang Poong Maykapal
Sa mga napiling pusakal

Ang nagsasabing ayaw gusto
Ang sinungaling ang totoo
Ang oo hindi
Ang wasto ay mali
At ang magkakampi
Ay magkatunggali

Natupad, nagwagi
Pagbabagong mithi
Ang wala nang budhi
Ay normal

 

##########

Noong 2010 gumawa na kami ng aking huling album at nagpasalamat at nagpaalam na sa lahat. Maliban sa ilang raket, tumigil na ako sa kakasulat at kakakanta. Matanda na ako, purol na ang lapis at mabagal na kukote. Dapat ibang henerasyon na ang gumagawa nito.

Kaya lang, sa kabila ng karumal-dumal na nangyayari, hindi ko naririnig ang inaasahan kong marinig. Sabi nga, kung walang gagawa, gawin mo na lang. Bakit, ano ba dapat ang ginagawa ng mga songwriters? To unleash their unbeholden pens – and write as best they can.

Kaya, sa tanda ko nang ito, magsusulat uli ako.

Hindi na para mangumbinsi pa. If the right and the left and the trapos are now all allies of government, there’s really not much you can do. Kahit halimbawa umabot pa ng 50,000 ang mapapatay na “nanlaban” sa war on drugs, I don’t anymore think it matters to these people – or to most Filipinos who are happy with what their government is doing.

So I wrote this one exclusively for my 56 friends and fans who see through this regime’s repressive shallow populist bullshit – to perhaps help each other come to terms with what we are dealing with. And hopefully survive the next six years with our hearts and minds and collective social conscience still intact and functioning.

[Image from Washington Times]

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s